Pasko Ng Ninong Ko (Kuripot Ang Ninong Ko)
Verse 1
Kuripot ang Ninong ko sa aginaldong piso
Dagling sumakit ang kanyang ulo
Sa aginaldong piso, napudpod ang nguso ko
Sampung beses akong pinagmano
Chorus
Ay naku Ninong, ay nalugi pa ako
Sa pasahe sa pagpunta sa inyo
Ay naku Ninong, kung laging ganyan kayo
Ay 'di na ulit ako mamamasko
Verse 2
Kuripot ang Ninong ko, mayro'n namang negosyo
At maraming kuwarta pa sa bangko
May masagwa pang bisyo na kung araw ng Pasko
Ang bahay ay palaging sarado
Pre-Chorus
Aba itong Ninong ko ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto, nabisto ng Ninang ko
Na siya pala ay mayro'ng number two
Chorus
Ay naku Ninong, kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay Pasko, number one mo't number two
Ay naghihintay na makapiling mo
Verse 3
Minalas ang Ninong ko, nahuli ng Ninang ko
Kumare pala niya ang number two
Kaya't pati Kumpare nagalit sa Ninong ko
Pinukpok ang ulo ng Ninong ko
Pre-Chorus
Aba itong Ninong ko ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto, nabisto ng Ninang ko
Na siya pala ay mayro'ng number two
Chorus
Ay naku Ninong, kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay Pasko, number one mo't number two
Ay naghihintay na makapiling mo
Verse 3
Minalas ang Ninong ko, nahuli ng Ninang ko
Kumare pala niya ang number two
Kaya't pati Kumpare nagalit sa Ninong ko
Pinukpok ang ulo ng Ninong ko
Outro
Ulo nagkabukol Paskong Pasko
At nagpaskong bukol ang Ninong ko
No comments, you can be the first