[Verse]
Sabaw ka na naman at parang 'di mapakali
Naiisipan mo pa ba na matulog sa gabi?
Kahit na gano'n ang buhay, 'di makabalik
Masasabi mo na lang na 'di 'to madali [Pre-Chorus]
Sa kakapuyat mo, hindi mo na alam umaga
Sa kakasulat mo, hindi mo na alam bumasa
Sa kakabuhat mo, hindi mo na alam kung ga'no kagaan
Ang buhay, ang buhay[Chorus]
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Na mayro'ng magsasawa at mayro'ng masasanay
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Gawin mong bahaghari ang lahat ng bagay[Verse]
Para kang natutunawan 'pag nababato
Kamot sa iyong bumbunan, 'di humihinto
Sakay ka sa 'king duyang parang sadyang mapaglaro
Sa awit ng ating isipan, huwag nang malilito[Pre-Chorus]
Sa kakapuyat mo, hindi mo na alam umaga
Sa kakasulat mo, hindi mo na alam bumasa
Sa kakabuhat mo, hindi mo na alam kung ga'no kagaan
Ang buhay, ang buhay[Chorus]
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Na mayro'ng magsasawa at mayro'ng masasanay
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Gawin mong bahaghari ang lahat ng bagay[Bridge]
Sa kakatulog mo, palagi kang nananalangin
Na ang katawan ay sana liparin ng hangin
Sa kakabuhat mo, hindi mo na alam kung ga'no kagaan
Ang buhay, ang buhay[Chorus]
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Na mayro'ng magsasawa at mayro'ng masasanay
Sa kaliwa't kanan, huwag mong kalimutan
Gawin mong bahaghari ang lahat ng bagay
Hmm-mmm, hmm

Many companies use our lyrics and we improve the music industry on the internet just to bring you your favorite music, daily we add many, stay and enjoy.