Tulo Laway
9 views

Tulo Laway lyrics

by Kiyo

Lyrics Genre

Released to

February 24, 2023

Tulo Laway

Intro
Na-na-na-na, mmm

Chorus
Tagu-taguan, tayong dalawa
Walang makakaalam na dito tayo masaya, oh
Tagu-taguan, tayong dalawa
Walang makakaalam na dito tayo masaya
Tagu-taguan, tayong dalawa
Sa ilalim ng kumot, bangungot tinatawanan nating sabay

Verse 1
Habang nanunuod, ulo mo nasa balikat
Nanakit 'pag 'di pa napagbigyan ang hiling, at
Mga pakisuyo mo humahaba na naman 'yung nguso mo
Na ang sarap i-kiss lalo 'pag mahimbing na lalo 'yung tulog mo
Kahit madalas tulo laway ka palagi
Ang ganda mo wala akong masabi
'Di ko naisip na ang puso't damdamin
Masasali nangyari, kasi

Verse 2
Akala ko dati wala nang makakaintindi sa lokong gala
Nasanay wala, kung meron man ay ikaw lang palaging nand'yan kaya masaya
Bawat gabing malamig ay kayakap kasalo sa kumot, sara na ng bintana
Labas sa kulambo ang ating saya
Kahit umagahin 'wag mag-alala
Kiskisan ng hita at ating paa
Lintik na tinginan sa parihaba kong silid
Mga matang papikit, labi mo na may hilik
'Di ko mapigilan ngitian habang ako sa'yo ay na katingin
Tanginang pag-ibig 'to, ang sarap parang una kong tikim, una kong tikim

Chorus
Tagu-taguan, tayong dalawa
Sa ilalim ng kumot, bangungot tinatawanan nating sabay

Bridge
'Di ko mapigilan na isipin 'yung kahapon nating dalawa
Nadarama ay ngiti na abot langit pagkausap ka
Sarap mong pagmasdan parang buwan na bumaba
Pakiramdam abot langit, kumakabog na damdamin
Pag-ibig daw kung tawagin ay

Verse 3
Kinakabahan 'to palagi
Pakiramdam na sa'yo lang bukod tangi
Nadarama pag kasama, nakahilata sa kama, mala-langit
Nakatunganga sa bintana 'pag wala ka, 'di alam aking gagawin
'Di makapaniwala, ika'y napasa'kin
Ako ang kakampi mo ano man ang mangyari
Hawakan mo kamay ko, 'wag kang bibitaw
Nandito lang ako kasama kapag naligaw
Gusto ko 'yung ako kapag ka nand'yan ikaw
Ang sarap isipin na ikaw
Kasama sa pagtanda ko sa mundo na maginaw
Ang gaan sa pakiramdam magmahal
Ang sarap sa pakiramdam magmahal
Ikaw ang makakasama habang buhay

Outro
Pusong ikaw ang sigaw
Pusong ikaw ang sigaw
Pusong ikaw ang sigaw
Pusong ikaw ang sigaw
Pusong ikaw ang sigaw
Tulo laway

Videoclip
Video about Kiyo – Tulo Laway

Some videos may be incorrect, apologies if this is the case, we are improving so that this does not happen in the future.

Play on
Leave a comment
You have a maximum of 250 characters
0 Comments

No comments, you can be the first

Best Genres
Lastest Lyrics Added
Random Artists
Best Lyrics

Many companies use our lyrics and we improve the music industry on the internet just to bring you your favorite music, daily we add many, stay and enjoy.