Di Lahat Minamahal
Verse 1
Nalibot na 'ata bawat sulok ng daanan, wala ka
Kailan kaya matatagpuan?
Bakit palaging napupunta na lang sa maling tao
Kaya heto bigo na naman
Chorus
Kailan kaya pagbibigyan ng tadhana?
Matagpuan ka at aking makasama
Kasi naman hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik
Verse 2
Hinanap, nakita, nahulog at umasa
Kahit alam mong wala namang pag-asa
Nagmahal, nasaktan, walang bago
'Di mapilit na 'di ka na gusto
Nabihag mo'ng puso ko
'Di nga lang para sa'yo
Kasi 'di pwedeng tayo
Chorus
Kailan kaya pagbibigyan ng tadhana?
Matagpuan ka at aking makasama
Kasi naman hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik
Pa'no kaya makakamit ang saya?
Kung ang pag-ibig ay hindi laging tama
Kasi naman hindi lahat ng nagmamahal
Ay minamahal pabalik
Post-Chorus
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Bridge
Nagmahal lang naman ako
Ikaw ang naging mundo
Nagmahal lang naman ako
Bakit ka naglaho?
Nagmahal lang naman ako
Ikaw ang naging mundo
Nagmahal lang naman ako
Bakit ka naglaho?
Chorus
Pa'no kaya makakamit ang saya?
Kung sa isip ko ikaw palaging nakikita
Bakit kaya hindi lahat
Nang nagmamahal ay minamahal pabalik, ako'y babalik
Kahit pa 'di lahat nang nagmamahal
Ay minamahal
Post-Chorus
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Mm-mm-mm
Some videos may be incorrect, apologies if this is the case, we are improving so that this does not happen in the future.
No comments, you can be the first